Ang katuwiran ng Diyos ay nanganganinag at ito'y kaiba sa katuwiran ng mga tao. Ang katuwiran ng Diyos ay nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na natupad sa pamamagitan ng bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Dapat tayong magbalik sa pananalig sa katuwiran ng Diyos bago maging huli ang lahat.
Alam mo ba kung bakit si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista? Kung hindi binautismuhan ni Juan si Jesus, ang ating mga kasalanan ay di-malilipat sa Kanya. Si Juan Bautista ang dakila sa lahat ng tao, at ang bautismo niya kay Jesus ay ganap na kailangang-kailangan sa Diyos upang isalin ang ating mga kasalanan mula sa atin at tungo kay Jesus.
Si Jesus ay binautismuhan upang pasanin lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang balikat, at nagbubo sa Krus upang bayaran ang kanilang buong utang. Lahat ng mga ito ay ganap na binago ang aking dating unawa kung ano ang isilang na muli, nang nalalaman ko lang ang dugo sa Krus. Ngayon ang Diyos ay nagturo sa iyo kung ano ang Kanyang katuwiran upang ating lubos na malaman at manalig sa Kanyang katuwiran. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng mga pagpapalang ito.