Tagalog 17

  • ㆍISBN : 898314534X
  • ㆍPages : 433

Mga Sermon sa Galacia - MULA SA PISIKAL NA PAGTUTULI TUNGO SA DOKTRINA NG PAGSISISI (Ⅱ)

Paul C. Jong

Ang Doktrina ng Pagsisisi ay Sapat na Magdudulot sa Inyo ng Espiritual na Karamdaman.

Ang tao sa buong sanlibutan ay nangatatakot sa mga virus tulad ng SARS, dahil sila'y maaaring mamatay kung sila'y madadapuan ng gayong di-nakikitang mga virus.
Gayon din, ang mga Kristiyano sa mga araw na ito sa buong sanlibutan ay nangamamatay sa kanilang mga katawan at mga espiritu sa pamamagitan ng pagkakahawa ng doktrina ng pagsisisi. Sinong makakabatid na ang doktrina ng pagsisisi ay labis na kamalian?
Batid ba ninyo kung sino ang naghuhulog sa mga Kristiyano sa walang-kalalimang hukay ng espiritual na kalituhan? Sila mismo yaong mga makasalanang Kristiyano na naghahandog ng araw-araw na panalangin ng pagsisisi upang mahugasan sa kanilang mga personal na kasalanan habang umaangking sila'y naniniwala kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas.
Samakatuwid, kailangan ninyong makamit ang kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu na orihinal na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Hindi dapat maglaho ang mapalad na pagkakataon na maisilang na muli. Lahat tayo ay kailangang mapalaya sa espiritual na kalituhan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Kailangan tayong tumingin sa maliwanag na ilaw ng Katotohanan, na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, matapos makatakas mula sa espiritual na kalituhan.

livre audio
undefined
En raison du COVID-19 et l'interruption du service postal international,
nous avons suspendu temporairement notre "service gratuit de livres imprimés".
Au vu de cette situation, nous ne sommes pas en mesure de vous envoyer les livres actuellement.
Priez que cette pandémie cesse rapidement et que le service postal reprenne.