Mga Nilalaman
Panimula
KABANATA 1
1. Ang Lahi ni Jesu-Cristo (Mateo 1:1-6)
2. Tayo’y Magpasalamat sa Ating Panginoong Jesus na Naparito upang Tayo’y Maligtas (Mateo 1:18-25)
3. Si Jesus na Pinagdalang-tao ng Banal na Espiritu (Mateo 1:18-25)
KABANATA 2
1. Saan Natin Maayos na Matatagpuan ang Panginoon? (Mateo 2:1-12)
KABANATA 3
1. Palawigin ang Tunay na Ebanghelyo at ang Matuwid na Gawa ni Jesus (Mateo 3:1-17)
2. Si Jesus na Naparito Upang Alisin ang Iyong mga Kasalanan (Mateo 3:13-17)
KABANATA 4
1. Ang Pagpapala ng Takot sa Diyos at Paglilingkod sa Diyos (Mateo 4:1-11)
KABANATA 5
1. Ang Sermon sa Bundok (Mateo 5:1-16)
KABANATA 6
1. Ang Aral ng Panginoon sa Panalangin (1) (Mateo 6:1-15)
2. Ang Aral ng Panginoon sa Panalangin (2) (Mateo 6:5-15)
3. Mamuhay ang Inyong mga Puso sa Panginoon (Mateo 6:21-23)
4. Huwag Mabalisa sa Iyong Buhay, Bagkus ay Magtiwala Lang sa Diyos (Mateo 6:25-34)
5. Sapagka’t ang Araw ng Bukas ay Mababalisa sa Kaniyang Sarili (Mateo 6:34)
KABANATA 7
1. Sa Pananalig sa Kapangyarihan ng Ebanghelyo, Tayo’y Dapat Pumasok sa Makipot na Pintuan (Mateo 7:13-14)
2. Anong Ating Gagawin Kung Tayo’y Pinabayaan ng Panginoon sa Huling Araw? (Mateo 7:21-23)
3. Ang Pananampalataya na Makagagawa ng Kalooban ng Diyos Ama (Mateo 7:20-27)
4. Tayo’y Makapapasok Lang sa Langit Kung Ating Nalalaman ang Kalooban ng Ama at Sumampalataya (Mateo 7:21-27)
5. Mag-ingat sa mga Bulaang Propeta na ang Tanging Habol ay ang Inyong Salapi (Mateo 7:13-27)
KABANATA 8
1. Ang Pagpapagaling sa Espiritual na mga Ketongin (Mateo 8:1-4)
2. “Sabihin Mo Lamang ang Salita” (Mateo 8:5-10)
3. Sumunod Muna sa Panginoon (Mateo 8:18-22)
Sinasabi ni Apostol Mateo sa atin na ang Salita ni Jesus ay pinahayag sa bawat isa sa mundong ito, sapagkat kanyang nakita si Jesus bilang Hari ng mga Hari. Ang mga Kristiyano ngayon sa buong mundo, yaong mga kasisilang lang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aming ipinalalawig, ay sadyang nananabik sa tinapay ng buhay. Ngunit hindi madali para sa kanila na makipisan sa amin sa tunay na ebanghelyo, dahil sila ngang lahat ay malalayo sa amin.
Kung gayon, upang katagpuin ang mga espiritual na pangangailangan ng mamamayan ni Jesu-Cristo, na Hari ng mga Hari, ang mga sermon sa aklat na ito ay inihanda bilang isang bagong tinapay ng buhay para sa upang makamtan nila ang espiritual na paglago. Pinapahayag ng may-akda na yaong mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ni Jesu-Cristo, ang Hari ng mga Hari, ay dapat kanin ang Kanyang dalisay na Salita upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya at katigan ang kanilang espiritual na pamumuhay.
Ang aklat na ito ay magdudulot ng tunay na espiritual na tinapay ng buhay sa inyong lahat na naging dugong-bughaw na mamamayan ng Hari sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia at mga lingkod, patuloy na ipagkakaloob ng Diyos sa inyo itong tinapay ng buhay. Nawa ang mga pagpapala ng Diyos ay mapasa-inyong lahat na mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, mga nagnanais na kamtan ang tunay na espiritual na pakikipisan sa amin kay Jesu-Cristo.
Más