• 所有新生命宣教會 The New Life Mission 網站上的電子書和有聲書均可免費下載
  • 探索以多種語言提供的全球性講道
  • 查看我們已翻譯成27種語言的網站
  • 第1、2卷新修訂版已全新推出
Search

免費電子書和有聲讀物

約翰一書

塔加洛語  14

Ikatlong Serye ng Espiritual na Paglago ni Paul C. Jong - Ang Unang Liham ni Juan (Ⅰ)

Rev. Paul C. Jong | ISBN 8983143150 | 頁碼 329

下載免費電子書和有聲讀物

選擇您喜歡的文件格式,安全下載到手機、電腦或平板電腦,隨時隨地閱讀和收聽講道集。所有電子書和有聲讀物都完全免費。

您可以通過下方播放器收聽有聲讀物。🔻
擁有平裝書
在亞馬遜購買平裝書
Mga Nilalaman

Panimula 

KABANATA 1
1. Si Jesu-Cristo ay Diyos (1 Juan 1:1-10) 
2. Ikaw Ba Talaga Ay May Pakikipisan sa Diyos? (1 Juan 1:1-10) 
3. Dalawang Uri ng Paghahayag ng Kasalanan (1 Juan 1:8-10) 
4. Paghahayag ng Katotohanan (1 Juan 1:8-10) 

KABANATA 2
1. Si Jesu-Cristo ay Ang Tunay na Diyos (1 Juan 2:1-5) 
2. Ang Ating Panginoon na Naging Ating Tagapamagitan (1 Juan 2:1-17) 
3. Kayo Ba ay Namumuhay sa Kautusan ng Diyos? (1 Juan 2:7-11) 
4. Huwag Ibigin ang Sanlibutan o Ang Mga Bagay ng Sanlibutan (1 Juan 2:15-17) 
5. Sino ang Mga Kaaway ni Cristo? (1 Juan 2:18-29) 
 
Si Apostol Juan ay isa sa mga dakilang espiritual na pinuno sa Kristiyanismo. Lahat ng kanyang tatlong isinulat na Liham ay patuloy na nagbibigay patotoo sa higit na pangkalahatan at espiritual na Katotohanan sa mga hinirang sa Iglesia ng Diyos. Subali't may mga ibang salaysay na mahirap para sa atin na ipakahulugan at unawain.
Mailalahad natin ang 1 Juan 1:8 bilang unang halimbawa ng malalim na salaysay sa mga Liham ni Juan: "Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin." Ang talatang ito ay mahirap unawain, lalo na kung ating gagamitin sa mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang ikalawang halimbawa ay ang 1 Juan 1:9, "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan." Ito ang isa sa pinakamalimit na talatang sinasambit sa tuwing ang mga makasalanan ay nagtatangkang ilahad ang batayan mula sa biblia ng kanilang mga panalanging pagkumpisal. Kung gayon, nangangahulugan ba na sa talatang ito ang mga makasalanan ay dapat ipahayag ang kanilang mga kasalanan upang sila'y mapatawad sa kanilang mga nagawang kasalanan? O, nangangahulugan ba na ang mga matuwid na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kailangang ipahayag ang kanilang mga kasalanan? Sumampalataya tayo sa talatang ito ayon sa pakahulugan ng Banal na Espiritu, ang May-Akda ng Biblia, at ayon sa hangarin ni Apostol Juan.
Ang ikatlong halimbawa ng isang mahirap na talata ay 1 Juan 2:22, "Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak." Ang salaysay na ito ay tumutukoy kung sino ang mga kaaway ng Diyos. Pinapaliwanag nitong talata na ang mga kaaway ng Diyos ay yaong hindi nananalig na si Jesus ay Diyos. At ito'y nangangahulugan din na sila'y hindi sumasang-ayon sa Ama ni Jesu-Cristo bilang Diyos.
Ang ikaapat ay 1 Juan 3:6 na nagsasaad, "Ang sinomang nananahan sa Kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa Kaniya, ni hindi man nakakilala sa Kaniya." Dito sa tuwing ating nakikita ang pariralang "Ang sinomang nananahan sa Kaniya," ang talatang ito ay para sa mga matuwid na nalinis sa lahat nilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga matuwid ay hindi magagawang ipagkaila ang kanilang pananampalataya sa anumang pangyayari dahil sila'y nananalig sa tunay na ebanghelyo. Mayroon ba talaga na hindi nakagagawa ng mga kasalanan sa kanilang laman? Ang bawa't isa'y nagkakasala. Subali't, ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi makagagawa ng gayong kasalanan tulad ng pagkakaila sa tunay na ebanghelyo.
更多

與該標題相關的書籍

The New Life Mission

參加我們的調查

您是如何得知我們的?