Mga Nilalaman
Panimula
KABANATA 1
1. Panimula sa Roma Kabanata 1
2. Ang Katuwiran ng Diyos na Inihayag sa Ebanghelyo (Roma 1:16-17)
3. Ang Ganap ay Mabubuhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya (Roma 1:17)
4. Ang Ganap ay Mabubuhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya (Roma 1:17-18)
5. Mga Sumisiil sa Katotohan sa Pamamagitan ng Kalikuan (Roma 1:18-25)
KABANATA 2
1. Panimula sa Roma Kabanata 2
2. Sila na Nagwawalang-bahala sa Biyaya ng Diyos (Roma 2:1-16)
3. Ang Pagtutuli ay Yaong sa Puso (Roma 2:17-29)
KABANATA 3
1. Panimula sa Roma Kabanata 3
2. Kaligtasan mula sa Kasalanan sa Pamamagitan ng Pananampalataya lamang (Roma 3:1-31)
3. Nagpapasalamat ka ba sa Diyos dahil sa Panginoon? (Roma 3:10-31)
KABANATA 4
1. Panimula sa Roma Kabanata 4
2. Mga Nagkamit ng Pagpapala ng Langit dahil sa Pananampalataya (Roma 4:1-8)
KABANATA 5
1. Panimula sa Roma Kabanata 5
2. Sa Pamamagitan ng Isang Tao (Roma 5:14)
KABANATA 6
1. Panimula sa Roma Kabanata 6
2. Ang Tunay na Kahulugan ng Bautismo ni Jesus (Roma 6:1-8)
3. Ihandog ang Inyong mga Bahagi bilang Kasangkapan ng Katuwiran (Roma 6:12-19)
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay ang katuwiran ng Diyos!
Ang mga salita sa aklat na ito ang magpapatid-uhaw sa iyong puso. Ang mga Kristiyano ngayo`y patuloy na namumuhay nang hindi nalalaman ang tunay na kalutasan sa mga kasalanang kanilang nagagawa araw-araw. Alam mo ba kung ano ang katuwiran ng Diyos? Nawa`y itanong mo ang katanungang ito sa iyong sarili at manalig sa katuwiran ng Diyos, na inihayag sa aklat na ito.
Ang katuwiran ng Diyos ay kasa-kasama ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Subali`t, tulad ng mahalagang kayamanan, ito`y inilihim sa mga mata ng mga relihiyosong tagasunod nang mahabang panahon. Sanhi nito, maraming tao ang umasa at nagmayabang sa kanilang sariling katuwiran sa halip na maniwala sa katuwiran ng Diyos. Samakatuwid, ang mga doktrina ng Kristiyano na walang saysay ay ang namamayagpag na paniniwala sa mga puso ng mga mananampalataya, animo`y ang mga doktrinang ito ay naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Ang Doctrina ng Predestinasyon, Pagwawalang-sala, at Unti-unting Pagbabanal ay ang mga pangunahing doktrina ng Kristiyano, na nagdudulot ng kalituhan at kawalan sa mga kaluluwa ng mga mananampalataya. Nguni`t ngayon, maraming Kristiyano ang kailangang magsimulang makilala ang Diyos, alamin ang Kanyang katuwiran at magpatuloy sa kasiguruhan ng pananampalataya.
"Ang ating Panginoon na naging katuwiran ng Diyos" ang magdudulot sa iyong kaluluwa ng dakilang kaunawaan at maghahatid nito sa kapayapaan. Hangad ng may akda na iyong taglayin ang pagpapala sa pag-aalam ng katuwiran ng Diyos. Nawa ang pagpapala ng Diyos ay mapasa-iyo!
ပိုများသော