MGA NILALAMAN
Panimulang Salita
KABANATA 8
1. Ang mga Trumpeta na Naghayag sa mga Pitong Salot (Apocalipsis 8:1-13)
2. Ang mga Salot ba ng mga Pitong Trumpeta ay Literal?
KABANATA 9
1. Ang Salot mula sa Hukay ng Kalaliman (Apocalipsis 9:1-21)
2. Magkaroon ng Tapang ng Pananalig sa mga Huling Araw
KABANATA 10
1. Alam Mo Ba Kung Kailan ang Oras ng Rapture? (Apocalipsis 10:1-11)
2. Alam Mo Ba Kailan Magaganap ang Rapture ng mga Hinirang?
KABANATA 11
1. Sino ang Dalawang Puno ng Olibo at ang Dalawang Propeta? (Apocalipsis 11:1-19)
2. Ang Kaligtasan ng Bayan ng Israel
KABANATA 12
1. Ang Iglesia ng Diyos na Lubos na Mapapahamak sa Hinaharap (Apocalipsis 12:1-17)
2. Yakapin Mo ang Pagmamartir na May Matapang na Pananampalataya
KABANATA 13
1. Ang Paglabas ng Anticristo (Apocalipsis 13:1-18)
2. Ang Paglitaw ng Anticristo
KABANATA 14
1. Ang Papuri ng mga Nabuhay na Muli at Rapture ng mga Martir (Apocalipsis 14:1-20)
2. Ano ang Dapat na Reaksyon ng mga Hinirang sa Paglitaw ng Anticristo?
KABANATA 15
1. Ang mga Hinirang na Nagpuri sa Kamangha-manghang Gawa ng Panginoon sa Alapaap (Apocalipsis 15:1-8)
2. Ang Paghati ng Walang-hangang Tadhana
KABANATA 16
1. Ang Simula ng mga Salot ng mga Pitong Mangkok (Apocalipsis 16:1-21)
2. Ang Dapat Mo lang Gawin Bago ang Pagbuhos ng mga Pitong Mangkok ay…
KABANATA 17
1. Ang Hatol sa Patotot na Nakaluklok sa Maraming Tubig (Apocalipsis 17:1-18)
2. Ituon ang Ating Pansin sa Kanyang Kalooban
KABANATA 18
1. Ang Mundo ng Babilonia ay Gumuho (Apocalipsis 18:1-24)
2. “Mangagsilabas Kayo sa Kanya, Bayan Ko, Upang Hindi Kayo Tumanggap ng Kanyang mga Salot”
KABANATA 19
1. Ang Kahariang Pamamahalaan ng Makapangyarihan (Revelation 19:1-21)
2. Tanging ang Matuwid ang Makapaghihintay ng mga Pag-asa sa Pagbabalik ni Cristo
KABANATA 20
1. Ang Dragon ay Kukulungin sa Balon ng Kalaliman (Apocalipsis 20:1-15)
2. Paano Tayo Makatatawid mula sa Kamatayan Tungo sa Buhay
KABANATA 21
1. Ang Banal na Lungsod na Bababa mula sa Langit (Apocalipsis 21:1-27)
2. Dapat Tayong Magkaroon ng Uri ng Pananampalatayang Sinang-ayunan ng Diyos
KABANATA 22
1. Bagong Langit at Lupa, Kung Saan ang Tubig ng Buhay ay Dumadaloy (Apocalipsis 22:1-21)
2. Magalak at Magpakatatag sa Pag-asa ng Kaluwalhatian
APENDISE
1. Mga Katanungan at Mga Kasagutan
Karamihan sa mga Kristiyano ngayon ang naniniwala sa teoriya ng "pre-tibulation rapture." Dahil sila`y naniniwala nitong maling doktrinang itinuturo sa kanila na sila`y kukuhanin papaitaas bago ang pagdating ng Matinding Kapighatian ng pitong taon, sila`y pinangungunahan ng walang-saysay na relihiyosong mga buhay babad na may kasiyahang-loob.
Nguni`t ang rapture ng mga hinirang ay magaganap lamang matapos ang mga salot ng pitong trumpeta ay mangyari hanggang sa ikaanim na salot at lahat ay mabuhos-ito ay, ang rapture ay magaganap matapos ang paglitaw ng anticristo sa gitna ng daigdigang kaguluhan at ang mga hinirang na isinilang na muli ay papataying martir at kapag ang ikapitong trumpeta ay maihip. Sa panahong ito si Jesus ay bababa mula sa langit, at ang pagkabuhay na muli at rapture ng mga hinirang na isinilang na muli`y magaganap (1 Tesalonica 4:16-17).
Sa araw na ito, ang lahat sa mundong ito`y tatayo sa krus na daan ng kanyang walang-hanggang tadhana. Ang mga hinirang na isinilang na muli dahil sa pananalig sa "ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu" ay babangong-muli at masasama sa rapture, at sa gayo`y magiging mga tagapagmana sa Milenyong Paghahari at sa walang-hanggang Kaharian ng Langit, nguni`t ang mga makasalanan na hindi napasama nitong unang pagkabuhay na muli ay mahaharap sa matinding kapahamakan ng pitong mangkok na ibubuhos ng Diyos at mabubulid sa walang-hanggang apoy ng impiyerno.
Samakatuwid, dapat kang lumayo sa lahat ng mga maling doktrina ng mga relihiyon at sa pita at nakalilitong kahalagahan nitong mundo, at pumasok sa tunay na Salita ng Diyos. Nawa at dalangin ko na sa pagbasa ng aking mga serye ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kayong lahat ay pagkalooban ng pagpapala ng paghuhugas ng lahat ng iyong mga kasalanan, at pagtanggap sa pangalawang pagbabalik ng ating Panginoon ng walang takot.