Mga Nilalaman
Panimula
KABANATA 9
1. Manalig Kay Jesu-Cristo na Siyang Naparito bilang ating Diyos (Mateo 9:1-13)
2. Si Jesus ay Naparito upang Iligtas Tayong mga Lumpo sa Espiritual (Mateo 9:1-13)
3. Pananampalataya ng Relihiyoso laban sa Pananampalataya sa Kapangyarihan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Mateo 9:1-17)
4. Mga Manggagawa ng Diyos (Mateo 9:35-38)
KABANATA 10
1. Ang Kapangyarihang Magpagaling sa Lahat ng Karamdaman ay Makikita sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Mateo 10:1-16)
2. Tayo’y Mamuhay bilang mga Manggagawa ng Diyos (Mateo 10:1-8)
KABANATA 11
1. Si Juan Bautista ay Hindi isang Kabiguan (Mateo 11:1-14)
KABANATA 12
1. Sinabi ni Jesus na Habag ang Ibig Niya at Hindi Hain (Mateo 12:1-8)
2. Nais Mo Bang Malaman Kung Ano ang Lapastangan Laban sa Banal na Espiritu? (Mateo 12:9-37)
3. Ang Kasalanang Walang Kapatawaran at ang Tungkulin ng mga Isinilang na Muli (Mateo 12:31-32)
4. Saan Hangad ni Satanas ang Manirahan? (Mateo 12:43-50)
KABANATA 13
1. Ang Talinhaga ng Apat na Uri ng Lupa (Mateo 13:1-9)
2. Kayo’y Pinayagang Malaman ang mga Hiwaga ng Kaharian ng Langit (Mateo 13:10-23)
3. Ang Kaharian ng Langit ay Tulad ng isang Tao na Naghasik ng Mabuting Binhi sa Kanyang Lupa (Mateo 13:24-30)
4. Ang Kapangyarihan ng Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Mateo 13:31-43)
5. Ang Kaharian ng Langit ay Tulad ng Natatagong Kayamanan sa Lupa (Mateo 13:44-46)
6. Ang Kaharian ng Langit ay Tulad ng isang Lambat na Inihulog sa Dagat na Nakahuli ng Sari-saring Isda (Mateo 13:47-52)
7. Si Maria ay Tiyak na Walang Pagka-Diyos (Mateo 13:53-58)
Sinasabi ni Apostol Mateo sa atin na ang Salita ni Jesus ay pinahayag sa bawat isa sa mundong ito, sapagkat kanyang nakita si Jesus bilang Hari ng mga Hari. Ang mga Kristiyano ngayon sa buong mundo, yaong mga kasisilang lang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aming ipinalalawig, ay sadyang nananabik sa tinapay ng buhay. Ngunit hindi madali para sa kanila na makipisan sa amin sa tunay na ebanghelyo, dahil sila ngang lahat ay malalayo sa amin.
Kung gayon, upang katagpuin ang mga espiritual na pangangailangan ng mamamayan ni Jesu-Cristo, na Hari ng mga Hari, ang mga sermon sa aklat na ito ay inihanda bilang isang bagong tinapay ng buhay para sa upang makamtan nila ang espiritual na paglago. Pinapahayag ng may-akda na yaong mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ni Jesu-Cristo, ang Hari ng mga Hari, ay dapat kanin ang Kanyang dalisay na Salita upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya at katigan ang kanilang espiritual na pamumuhay.
Ang aklat na ito ay magdudulot ng tunay na espiritual na tinapay ng buhay sa inyong lahat na naging dugong-bughaw na mamamayan ng Hari sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia at mga lingkod, patuloy na ipagkakaloob ng Diyos sa inyo itong tinapay ng buhay. Nawa ang mga pagpapala ng Diyos ay mapasa-inyong lahat na mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, mga nagnanais na kamtan ang tunay na espiritual na pakikipisan sa amin kay Jesu-Cristo.
ပိုများသော