Mga Nilalaman
Panimula
KABANATA 3
1. Dapat Tayong Isilang na Muli sa pamamagitan ng Pananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Juan 3:1-15)
2. Ang ating Panginoon ay Naparito sa Lupa upang Iligtas Tayo mula sa mga Kasalanan ng Sanlibutan (Juan 3:14-21)
3. Ano ang Ating Dapat Panaligan sa Diyos? (Juan 3:21)
4. Ang Ating Diyos ay ang Panginoong Nagbigay sa atin ng Tunay na Walang hanggang Buhay (Juan 3:35-36)
KABANATA 4
1. Ang Panginoon na Siyang Lumulutas sa Lahat ng Ating Suliranin (Juan 4:3-19)
2. Saan Masusumpungan ang Kasiyahan ng ating mga Puso? (Juan 4:10-24)
3. Ang Tubig na Buhay na Hindi na Muling Magpapauhaw sa Tao (Juan 4:13-26, Juan 4:39-42)
4. Anong Uri ng Pananampalataya ang Ating Kailangan para sa Ating Espiritwal na Pagkabuhay? (Juan 4:19-26)
5. Ang Salita ni Jesus ay ang Salita ng Diyos (Juan 4:46-54)
KABANATA 5
1. Hindi Tayo Dapat Magbalik sa Judaismo (Juan 5:10-29)
2. Dinalaw ng Panginoon ang Tangke sa Betesda (Juan 5:19-29)
KABANATA 6
1. Magsigawa para sa Pagkain na Tumatagal sa Buhay na Walang hanggan (Juan 6:16-40)
Ang Pag-ibig ng Diyos na Naihayag sa Pamamagitan ni Jesu-Cristo
Nasusulat, "Walang taong nakakita kailan man sa Dios; Ang Bugtong na Dios, na nasa sinapupunan ng Ama, Siya ang nagpakilala sa Kanya" (Juan 1:18).
Ganap na inihayag ni Jesus ang pag-ibig ng Diyos sa atin! Ganap na iniligtas tayo ni Jesus! Anong ganap ang Katotohanan ng kaligtasan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu! Kailanman ay hindi tayo nagsisi sa pagtanggap ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus, na naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo (1 Juan 5:6).
Umaasa ako na kayong lahat ay manalig kay Jesu-Cristo na Siyang naghayag ng pag-ibig ng Diyos, panatilihin ang pananampalataya ng Kanyang pag-ibig sa inyong mga puso, at araw-araw na mamuhay alang-alang sa pagpapalaganap niyaong pag-ibig. Umaasa ako na inyong makakamit ang pagpapala ng pagpapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
ပိုများသော