Mga Nilalaman
Panimula
1. Anong Kabuluhan Nitong mga Maliliit na Tinapay at Isda sa Maraming Tao? (Juan 6:1-15)
2. Ang Manalig sa Kanya na Siyang Itinalaga ng Diyos Ay ang Gawain ng Diyos (Juan 6:16-29)
3. Magsigawa para sa Pagkaing Tumatagal sa Buhay na Walang Hanggan (Juan 6:16-40)
4. Mamuhay Ayon sa Espiritu (Juan 6:26-40)
5. Magsigawa para sa Pagkaing Hindi Napapanis Dito Sa Lupa (Juan 6:26-59)
6. Dapat Nating Kanin ang Tinapay Mula sa Langit na may Pananampalataya sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Juan 6:28-58)
7. Si Jesu-Cristo, Siya na Naging Tinapay ng Buhay sa Atin (Juan 6:41-51)
8. Paano Natin Kakanin ang Laman ni Jesus? (Juan 6:41-59)
9. Manalig kay Jesus na Siyang Naparito mula sa Langit bilang Tagapagligtas ng Inyong Puso (Juan 6:41-51)
10. Binigay ni Jesus sa Atin ang Tunay na Walang Hanggang Buhay! (Juan 6:47-51)
11. Paano Maging Kabahagi sa Banal na Hapunan sa Pamamagitan ng Wastong Pananampalataya (Juan 6:52-59)
12. Si Jesus, Siya na Nagbigay sa Atin ng Tinapay ng Buhay (Juan 6:54-63)
13. Dapat Ninyong Ipangaral ang Laman at ang Dugo ni Jesus sa Inyong mga Kasambahay (Juan 6:51-56)
14. Para Saan Tayo Dapat Mabuhay? (Juan 6:63-69)
15. Dapat Tayong Magkaroon ng Wastong Kaalaman sa Katotohanan (Juan 6:60-71)
Binigay ni Jesus sa Atin ang Buhay na Walang Hanggan sa pamamagitan ng Kanyang Sariling Laman at Dugo
Ang Iglesia ay sinusunod ang dalawang sakramento na iniutos si Jesus. Ang isa ay ang bautismo, at ang isa ay ang Banal na Hapunan. Nakikibahagi tayo sa Hapunan upang pagnilayan ang ebanghelyo ng Katotohanan na nahayag sa pamamagitan ng tinapay at alak nito, bilang pag-alaala sa ebanghelyong ito.
Sa seremonyang gawain ng Banal na Hapunan, ating kinakain ang tinapay bilang pag-alaala sa laman ni Jesus, at umiinom ng alak bilang seremonya ng Kanyang dugo. Tulad niyaon, ang tunay na kahulugan ng Banal na Hapunan ay upang palakasin ang ating pananampalataya sa Katotohanang niligtas tayo ni Jesus mula sa mga kasalanan ng sanlibutan at pinagkaloob sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa Krus.
Gayon pa man, sa suliraning halos lahat ng mga Kristiyano ay pormal na nakikibahagi lamang sa Banal na Hapunan, hindi nalalaman ang ibig sabihin ni Jesus sa pariralang, "Sapagka't ang Aking laman ay tunay na pagkain, at ang Aking dugo ay tunay na inumin" (Juan 6:55). Samakatuwid, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kailangan nating muling ituon ang kahulugan sa iniutos ni Jesus na kanin ang Kanyang laman at inumin ang Kanyang dugo, at sumampalataya rito.
ပိုများသော