Mga Nilalaman
Panimula
1. Hinuhubog tayo ng Diyos na Maging mga Bituin sa Langit (Genesis 1:14-19)
2. Ang Araw ng Sabbath ay Nagsasaad ng Pagpapalang Inalis ng Diyos Lahat ng ating mga Kasalanan (Genesis 2:1-3)
3. Ang Ikapitong Araw, nang ang Diyos ay Magpahinga matapos Likhain ang Kalawakan at Lahat ng bagay nito (Genesis 2:1-3)
4. Binasbasan ng Diyos at Ipinangilin ang Sabbath (Genesis 2:1-3)
5. Pinagkaloob ng Diyos ang Tunay na Kapahingahan sa Sangkatauhan (Genesis 2:1-3)
6. Paano Tayo Nilikha ng Diyos? (Genesis 2:1-3)
7. Saan Tayo Nalilinlang? (Genesis 3:1-7)
8. Hindi Tayo Maligtas sa Kasalanan sa pamamagitan ng Anumang Pananampalataya na Likha ng Relihiyosong Tao (Genesis 4:1-4)
9. Ang Walang Hanggang Kaligtasan na Hinalintulad sa Hain ng Pagtutubos (Genesis 4:1-4)
10. Ang Espiritwal na Paghahandog laban sa Karnal na Paghahandog (Genesis 4:1-5)
11. Dapat Tayong Manalig sa Diyos ayon sa Kanyang Salita (Genesis 4:1-5)
12. Tayo ay Mamuhay tulad ng mga Pastol (Genesis 4:1-5)
13. Si Jesu-Cristo Lamang ang Ganap na Handog na Makapag-aalis ng mga Kasalanan ng Sanlibutan (Genesis 4:1-7)
14. Dapat Nating Pag-isahin ang ating mga Puso sa pamamagitan ng Katuwiran ng Diyos (Genesis 4:1-7)
15. Sino Si Abel at Sino si Cain sa Harap ng Diyos? (Genesis 4:1-24)
Sa Aklat ng Genesis, ay naglalaman ng layunin sa paglikha ng Diyos sa atin. Kapag ang mga arkitekto ay magdidisenyo ng gusali o magpipinta ang mga pintor, kanila munang lilikhain ang kabuuan nito sa kanilang mga isipan bago simulan ang tunay na paggawa ng kanilang proyekto. Tulad nito, ang ating Diyos din ay nasa isip na Niya ang kaligtasan nating sangkatauhan bago Niya likhain ang mga langit at ang lupa, at nilikha Niya si Adan at si Eba sa pamamagitan ng layuning ito na nasa isip. At kailangang ipaliwanag ng Diyos sa atin ang kapamahalaan na Langit, na hindi nakikita ng ating mga mata ng laman, sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kapamahalaan ng lupa na ating makikita at mauunawaang lahat. Kahit pa bago ang pasimula ng lupa, nais ng Diyos ang ganap na pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa puso ng bawa't isa. Kaya bagaman lahat ng tao ay nilikha mula sa alikabok, dapat nilang matutunan at makilala ang ebanghelyo ng Katotohanan ng tubig at ng Espiritu upang maging kapaki-pakinabang sa kanilang sariling mga kaluluwa. Kung ang mga tao ay patuloy na mabubuhay na hindi nalalaman ang kapamahalaan ng Langit, maglalaho sa kanila hindi laman ang lupa, bagkus maging lahat ng bagay na nabibilang sa Langit.
ပိုများသော