Mga Nilalaman
Panimula
KABANATA 14
1. Ang Labi ng mga Espiritwal na Saserdote ay Dapat Panatilihin ang Kaalaman ng Katotohanan (Mateo 14:1-12)
2. Bakit Gumawa si Jesus ng Himala ng Limang Tinapay at Dalawang Isda? (Mateo 14:13-33)
KABANATA 15
1. Ang Diyos ay Nagkaloob sa Atin ng Walang Hanggang mga Pagpapala (Mateo 15:32-39)
KABANATA 16
1. Dapat Nating Unang Isipin ang Gawain ng Diyos (Mateo 16:21-25)
2. Ang Pananampalataya ng Pagtalikod sa Sarili (Mateo 16:21-27)
3. Ang Pagmamahal ni Pedro kay Jesus (Mateo 16:21-27)
4. Sinumang Nais Sumunod sa Akin, Hayaang Talikdan ang Kanyang Sarili! (Mateo 16:21-28)
5. Talikdan ang Iyong Sarili at Sumunod sa Panginoon (Mateo 16:24-27)
6. Ang Pananampalataya Lamang ang Nagligtas sa atin mula sa Kasalanan (Mateo 16:24-27)
KABANATA 17
1. Paano Tatangapin ang Banal na Espiritu (Mateo 17:1-13)
2. Si Juan Bautista, ang Naparito sa Daan ng Katuwiran (Mateo 17:1-13)
KABANATA 18
1. Yaong ang Pananampalataya ay Tulad ng Maliit na Bata (Mateo 18:1-4)
KABANATA 19
1. Yaong Mayaman sa Kanilang Sariling Mabubuting mga Gawa ng Laman ang Hindi Makakapasok sa Langit (Mateo 19:16-30)
KABANATA 20
1. Mabuhay para sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu (Mateo 20:20-28)
Sinasabi ni Apostol Mateo sa atin na ang Salita ni Jesus ay pinahayag sa bawat isa sa mundong ito, sapagkat kanyang nakita si Jesus bilang Hari ng mga Hari. Ang mga Kristiyano ngayon sa buong mundo, yaong mga kasisilang lang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aming ipinalalawig, ay sadyang nananabik sa tinapay ng buhay. Ngunit hindi madali para sa kanila na makipisan sa amin sa tunay na ebanghelyo, dahil sila ngang lahat ay malalayo sa amin.
Kung gayon, upang katagpuin ang mga espiritual na pangangailangan ng mamamayan ni Jesu-Cristo, na Hari ng mga Hari, ang mga sermon sa aklat na ito ay inihanda bilang isang bagong tinapay ng buhay para sa upang makamtan nila ang espiritual na paglago. Pinapahayag ng may-akda na yaong mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ni Jesu-Cristo, ang Hari ng mga Hari, ay dapat kanin ang Kanyang dalisay na Salita upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya at katigan ang kanilang espiritual na pamumuhay.
Ang aklat na ito ay magdudulot ng tunay na espiritual na tinapay ng buhay sa inyong lahat na naging dugong-bughaw na mamamayan ng Hari sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia at mga lingkod, patuloy na ipagkakaloob ng Diyos sa inyo itong tinapay ng buhay. Nawa ang mga pagpapala ng Diyos ay mapasa-inyong lahat na mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, mga nagnanais na kamtan ang tunay na espiritual na pakikipisan sa amin kay Jesu-Cristo.
ပိုများသော