Mga Nilalaman
Panimula
1. Sino ang mga Erehe sa Harap ng Diyos? (1 Mga Hari 11:1-13)
2. Sino ang mga Kristiyanong Nananalig kay Jesus sa Panuntunan ng Kanilang Sariling Makamundong Pag-iisip? (1 Mga Hari 12:25-33)
3. Ang Pagsunod sa mga Hangarin ng Laman ang Gagawa sa Inyo na Maging Erehe (1 Mga Hari 12:1-18)
4. Aling Ebanghelyo Ngayon ang Ating Pinapanaligan Ngayon? (1 Mga Hari 13:33-34)
5. Ang Ngayong mga Kristiyano na Pinalitan ang Diyos ng Kayamanan ay mga Sumasamba sa Diyus-diyosan sa Harapan ng Diyos (1 Mga Hari 11:1-13)
6. Paano Nililigtas ng Diyos ang mga Erehe? (1 Mga Hari 19:1-21)
7. Dapat Kayong Maniwala na si Juan Bautista ang Siyang Kinatawan ng Buong Sangkatauhan (Mateo 11:1-19)
8. Pitong Uri ng Tao na Susumpain ng Diyos (Mateo 23:1-36)
9. Linisin Ang Masamang Tubig sa pamamagitan ng Asin (2 Mga Hari 2:19-22)
Sa Biblia, ang bayan ng Israel ay sinasabing sumasamba sa Diyos, nguni't sa katapusan ay sumunod kay Jeroboam, sila'y sumasamba sa mga gintong baka. Sa katunayan, higit na 2/3 ng kasaysayan ng mga Israelita ay kasaysayan ng pagsamba sa mga gintong baka, inaakalang ang mga ito ay Diyos. Sa katapusan, hanggang ngayon, sila'y patuloy na nabubuhay na hindi nababatid ang katotohanang si Jesu-Cristo, ang Siyang naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay ang kanilang tunay na Tagapagligtas. Sa kabila nitong lahat, maraming mga Judio ang naghihintay ng kanilang Tagapagligtas, hanggang ngayon.Kung gayon, ano ang kalagayan ng inyong pananampalataya na nagsasabing may bahagi sa Kristiyanismo sa Panahong ito ng Bagong Tipan? Kayo ba'y kasulukuyang naniniwala at sumusunod sa Diyos na may wastong kaunawaan sa Kanya? Kung hindi, kayo ba'y hindi sumasamba sa mga gintong baka na may maling pagkilala sa mga ito bilang Diyos? Kung kayo ay tulad niyaon, dapat ninyong malaman ang katotohanang kayo ay sumasamba sa diyos-diyosan sa harap ng Diyos tulad ng bayan ng Israel. Samakatuwid, dapat ninyong talikdan at kilalanin ang Panginoon na naparito sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nakatitiyak ako na kayo'y manananalig sa ebanghelyo ng Katotohanan kapag inyong tunay na nabatid sa harapan ng Diyos kung ano ang Katotohanan ng kaligtasan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi ba? Nais kong ipatotoo sa inyo ang tunay na pananampalataya at ang Katotohanan sa ilalim ng pamagat na, "Mga Erehe, Sila na Sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam." Sa anumang paraan, nawa kayo ay magkaroon din ng katulad na pananampalatayang tinataglay ko.
เพิ่มเติม